Una sa Balita

Parokya ni Edgar may libreng concert sa Malolos

0 818

Matinding seguridad ang ilalatag ngayon ng Bulacan PNP sa inaasahang pagdagsa ng libo-libong kabataang Bulakenyo partikular sa Unang Distrito ng Bulacan para sa libreng concert ng Parokya ni Edgar sa Bulacan Sports Complex sa Barangay Sta. Isabel, Malolos City, Bulacan ngayong hapon.

Libreng inihahandog ni Cong. Kuya Jose Antonio R. Sy-Alvarado(1st District, Bulacan)ang konsiyertong ito ng Parokya ni Edgar kasama ang Shantidope, December Avenue at Bulacan local performances na binansagang Kabataang Umiindak! Yes! Aprub o KUYA 2019 Music Festival! at lahat ng mga Bulakenyong nakatanggap ng libreng ticket ay pinakikiusapang magsuot ng kulay pink na damit.

Mahigpit ding ipinagbabawal sa concert ang pagdadala ng bag, payong at pet bottles gayundin ng matutulis na bagay o armas para matiyak na walang magaganap na kaguluhan o aber­ya sa concert. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy