Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Parlade, 2 army official sabit sa torture ng dalagita

0 307

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9745 o Anti-Torture Act of 2009 sa tanggapan ng DOJ Manila sina dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson at retired AFP general Antonio Parlade Jr at dalawa pang mataas na opisyal ng Philippine Army matapos idawit sa pagdukot, pag-torture at panggagahasa sa isang dalagita sa lalawigan ng Quezon noong 2020.

Sa press conference ng grupong Gabriela Southern Tagalog nitong Biyernes, kasama sa kinasuhan sina MGen Arnulfo Marcelo B. Burgos Jr., dating commander ng 2nd Infantry Division ng Army at si LTC Edward Canlas, Battalion Commander ng 59IB, 2ID sa ilalim ng Southern Luzon Command na noon ay pinamumunuan ni Parlade.

Sa salaysay ng biktimang itinago sa alyas Belle, dinukot siya ng 7 armadong kalalakihang sakay ng isang van noong gabi ng July 27, 2020 habang kasama ang bunsong kapatid sa labas at nagpa-paload sa tindahan.

Dinala umano siya sa bahay ng isa sa dumukot sa bayan ng Lopez na nakilala niyang si Leoven Jolita,

CAFGU member at doon ito ikinulong at tinorture dahil sa bintang na kasapi siya at ang kanyang nanay sa NPA.

Inilipat siya sa kampo ng 59th IB ng army kung saan ikinulong uli, pinahirapan at pinaaamin bilang NPA.

Doon din aniya naganap ang paulit-ulit na panghahalay sa kanya ni Jolita.

Matapos ang ilang araw na pagkakakulong sa kampo, tinurn-over ito ng mga army sa Lopez PNP na tinanggihang tanggapin naman ng mga pulis kaya ilang araw itong ikinulong sa bahay ng isang babaeng pulis, bago dinala sa DSWD.

Ayon kay Atty. Minerva Lopez, Legal Counsel ng National Union of Lawyers in the Philippines (NUPL) at legal counsel ng Gabriela, sinampahan din ng kasong kidnapping, serious illegal detention and rape, at paglabag sa RA 7610 o Anti Child Abuse law si Jolita.

Kinasuhan din ng kidnapping at serious illegal detention ang isa pang CAFGU na si Arnel Abrencillo na kasama sa mga dumukot, ang tauhan ng Lopez MSWD at ang mga magulang ng nanggahasa na si Jolita.

Ayon pa kay Lopez ang basehan ng pagkakaso kina Parlade at 2 pang opisyal ay dahil sa kanilang kapabayaan sa command responsiblity bilang mga immediate superior ng mga dumukot na militar at CAFGU. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.