Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Parks quarantine bago mag-training

0 65

SASAILALIM muna sa 14-day quarantine sina Bobby Ray Parks at Simon Enciso bago tuluyang makalahok sa training ng TNT KaTropa.

Umuwi na sa bansa ang dalawa mula sa kani-kanilang bakasyon sa Amerika kaya kailangan muna nilang ma-quarantine bilang pagsunod sa mandato ng liga sa mga manlalaro na galing sa ibang bansa at bilang parte ng safety at health protocol.

Dahil dito, makukumpleto na ang roster ng KaTropa sa kanilang second phase training na gaganapin sa Moro Lorenzo Gym sa Quezon City.

Ayon kay coach Bong Ravena, naging maayos ang kanilang two-week bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

“Our bubble training went well. It was all skills and conditioning as prescribed by the PBA and the IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases),” sabi ni Ravena.

“Hopefully, we can do full scrimmage soon.” (JAToralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.