Una sa Balita

Parks nasubukan ang karakter kontra NLEX

0 326

Balik ang shooting touch ni Bobby Ray Parks, at nagtuloy ang Blackwater sa panlimang panalo sa PBA Commissioner’s Cup sa bisa ng 132-106 pananambak sa NLEX sa Petron Blaze Saturday Special sa Ynares Center sa Antipolo.

Angat sa 5-1 overall ang Elite para solohin ang tuktok. Baon sa 0-5 ang Road Warriors.

Parehong franchise-best ang total output at winning margin ng Blackwater, ang 132 nila na rin ang pinakamalaking puntos na nasalansan nga­yong season.

Nagkasya lang noong Linggo, Hunyo 2 sa career-low 16 points mula 3 of 10 shooting si Parks sa 98-92 win kontra Rain or Shine sa parehong venue.

Sabado ng gabi, 12 of 23 sa field si Parks, may 10 points na agad sa opening quarter. Nagdagdag pa siya ng 11 sa third nang pumalag ang Road Warriors, at anim sa fourth bago iniupo ni coach Aris Dimaunahan 2:51 pa sa laro.

“Today was a test of character for sure,” ani Parks. “We knew NLEX is a tough team, out to give their best. We just wanted to give our best also. We’re a young team and each and every game is a test for us and we just want to pass it.”

Pasado si Parks at ang buong Elite team.
Maangas na 21 points, 17 rebounds at 5 assists ang kontribusyon ni Alex Stepheson, may 21 markers. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy