Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Parks nadiyeta sa 2 puntos

0 120

HINDI naging engrande ang unang salang ni former TNT Tropang Giga star Bobby Ray Parks Jr. sa 2021 Japan B.League nang mabitin ang kanyang produksiyon kontra Hiroshima Dragonflies nitong Sabado.

Kumubra lang kasi ng dalawang puntos si Parks at naolats ang kanyang koponan na Nagoya Diamond Dolphins, 98-90, sa kanila mismong homecourt.

Bukod sa matipid na 2 markers, sumahog si Parks ng 4 rebounds, 3 assists at 1 steal sa loob ng 13 minuto nitong paglalaro sa court.

Bumomba sa panig ng Hiroshima si Naoto Tsuji matapos magpamalas ng 27 points sa 7-of-8 shooting mula sa trey.

Umagapay rin sa Dragonflies si Ryo Terashima na may 16 markers para kunin ang panalo.

Tanging si Takumi Saito lang ang nagpakitang gilas sa Dolphins sa iminarka nitong 23 points, 6 dimes at 3 boards.

Asahan namang babawi si 6-foot-4 guard Ray sa susunod nilang pagtutuos ngayong araw (Linggo). (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.