Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Parks kasado sa Dolphins

0 51

KASADO na para sa Nagoya Diamond Dolphins ng Japan B.League si Pinoy import Bobby Ray Parks Jr. matapos ipasilip ng koponan ang porma nito suot ang kanilang team uniform.

Sa isang Instagram video ng Dolphins, ipinakita nito ang individual photoshoot ng mga manlalaro, kabilang si Parks, suot ang kanilang uniform para sa darating na season ng liga.

Noong Agosto, inanunsiyo ng koponan ang pag-anib ng 6-foot-4 guard na huling lumaro sa PBA kasama ang TNT Tropang Giga.

Sa nakalipas na 2020 PBA Philippine Cup, kumubra si Parks ng average na 22.35 points, 7.82 rebounds, 3.12 assists at 1.53 steals per game.

Kamakailan, nagpakitang gilas si Parks sa preseason match ng Diamond Dolphins kontra Gunma Crane Thunders, 108-88. Umiskor si Parks ng 12 puntos at tig-isang assist at rebound para sa Nagoya.

Unang makakasagupa ng Diamond Dolphins sa B.League regular season ang Sun Rockers Shibuya sa Oktubre 1.

Bukod kay Parks, didribol rin sa Division I ng torneo sina Thirdy Ravena (San-En Neophoenix), Kiefer Ravena (Shiga Lakestars), Kobe Paras (Niigata Albirex BB), Dwight Ramos (Toyama Grouses), Javi Gomez de Liano (Ibaraki Robots), habang didribol sa Division II ng liga sina Juan Gomez de Liano (EarthFriends Tokyo Z) at Kemark Carino (Aomori Wat’s). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.