Una sa Balita

Parks hindi na ite-trade ng Elite?

0 416

Sa ginawang kompirmasyon ng Blackwater Elite, tuluyan na kayang namatay ang balitang trade sa 2018 No. 2 overall draft pick na si Bobby Ray Parks?

Kinumpirma ng interim coach na si Aries Dimaculangan na mag-eensayo na sa kanila si Parks makalipas ang Mahal na Araw bilang paghahanda sa PBA se-cond conference.

Inihayag ito ni Dimaculangan matapos na ma-eliminate ang Alab Pilipinas sa ABL nang talunin ng Hong Kong ilang araw pa lamang ang nakalilipas.

Ayon kay Dimaculangan, pinalitan bilang head coach si Bong Ramos, na pagpapahingahin muna nila si Parks bago isabak sa ensayo.

Nauna nang napa­balita na mapupunta si Parks sa Meralco  sa pamamagitan ng three-team deal. Involve dito ang TNT.
Kasama umano si Baser Amer sa deal na mapupunta sa KaTropa samantalang si Jericho Cruz at Brian Heruela na kakukuha pa lamang ng TNT ay dadalhin sa Elite.

Namatay sandali ang balitang ito.

Pero muling lumutang nang ihayag ni coach Norman Black matapos na ma-eliminate sa ongoing PBA Philippine Cup na magkakaroon ang Meralco ng malawakang balasahan (shake up).

Ninong sa binyag ni Parks si Black.

Balita ring itinaas na ng Blackwater ang  offer kay Parks na tatagal ng tatlong taon.

Nagkakahalaga umano ang offer na tumataginting na P10.4 million.

Nauna nang inoperan ng Elite ang No.2 overall pick ng dalawang taon na isinumite na sa PBA noon pang Disyembre na nagkakahalaga ng P5.4 million.

Alinsunod ito sa PBA rule na sa loob ng limang araw, kailangang may offer na ang player na kinuha nila sa first round upang manatili ang kanilang signing rights.

Ito marahil ang dahilan kung bakit mukhang hindi na matutuloy ang napa­balitang trade sa star rookie.

Pero hindi pa rin tayo nakakasiguro dahil kilala ang Blackwater na mahilig i-trade ang magagaling nilang player.
Isang halimbawa dito si Poy Erram na dinala nila sa NLEX Road Warriors.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy