Una sa Balita

Parks, Elite nilublob ang Aces

0 287

By Lito Oredo

Mga laro sa Miyerkoles: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – San Miguel vs Meralco
6:45 pm – Magnolia vs TNT

Sumablay lang si Bobby Ray Parks Jr. sa triple-double sa 2 assists, pero sapat na ang game-high 25 points at team-tying 10 rebounds upang bisigin ang Blackwater sa pagngudngod sa Alaska 112-104 sa 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup eliminations Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Binalewala ng Elite ang pagkakaiwan sa first three quarters at ‘di lang nakatayo sa huling taob, naitatak pa ang pinakamagandang kartada sa pagtatapos ng kampanya sa eliminasyon, at nasungkit pa ang isa sa dalawang puwesto na sagupaan sa best-of-three sa quarterfinals.

Sinigurado ng Elite ang isang shot clock beater na triple ni Rabeh Al-Hussani sa huling 1:22 ng laro kung saan dikit ang labanan sa 106-104 upang makamit ang limang puntos na abante sa 109-104 bago sinundan ni Roi Sumang ng isang jumper tungo na sa pinal na iskorp at sampa nila sa 7-4 at haltak sa biktima sa 4-7.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy