Una sa Balita

Parks ‘di dinadaga sa mga fan ng Ginebra

0 366

SANAY SA KANTIYAW!

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30pm –Columbian vs. Meralco
7:00pm — Ginebra vs. Blackwater

NAG-DEBUT na sa PBA si RayRay Parks noong Linggo.

Sa pangalawang salang sa pros, mabibinyagan naman ang anak ni dating seven-time Best Import Bobby Parks laban sa pinaka-popular na team sa liga – Ginebra.

Haharapin ng Blackwater ang Gin Kings sa second game mamaya sa Smart Araneta Coliseum, pagkatapos ng bakbakan ng mag-uunahan sa panalong Meralco at Columbian.
Noong Linggo sa MOA Arena, nagsumite si Parks ng 20 points at 8 rebounds para tulungan ang Elite sa 94-91 overtime win kontra Bolts.

Excited na si Parks na harapin ang defending champion Ginebra at eksplosibong import nitong si Justin Brownlee.

“I love playing Ginebra,” wika ni Parks. “Ginebra is a well-coached team. They have a lot of great pla­yers, height, diversity. It’s going to be a great challenge.”

Dating magkakampi sina Parks at Brownlee sa San Miguel Alab Pilipinas na nag-kampeon sa ASEAN Basketball League noong nakaraang taon.

Sa dinami-dami ng pinaglaruan mula UAAP, NBA G-League at ABL, sanay na si Parks sa iba’t ibang uri ng fans. Hindi na siya mamamalahibo sa sanlaksang tagasunod ng Ginebra.

“The fans, I know I’ll be on the other side but I love the fans,” dagdag ng two-time UAAP MVP mula National U. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy