Parking boy pag-aaralin ni Ryan Bang

0 461

Lumitaw ang litrato ni Ryan Bang nitong weekend kasama ang parking boy na na-feature sa “TV Patrol” na nag-ipon para makakain ng samgyupsal.

Sa post, sinabi na nilibre ni Ryan ang bata at isinama pa ang nanay at lola na nawalay dito simula nang maki­pagsapalaran ito sa Baliwag, Bulacan kung saan nga ay naging parking boy siya. Maraming netizens ang natuwa at napabilib sa ginawang kabutihan ni Ryan.

“Inspirasyon ko si Mommy Vice, ang dami niyang tinutulungan at parang naging message ni Lord na tulungan ko siya kasi sakto ko lang napanood sa ‘TV Patrol,’” kuwento ng “It’s Showtime” host.

Bukod sa panlilibre, tinulungan din niya ang bata na mag-aral muli. Iba talaga ang mga Kapamilya, hindi lang pagbibigay-aliw sa mga manonood ang kanilang ginagawa, umaabot din sa pagtulong sa kapwa ang pagbibigay-serbisyo nila sa mga Pilipino. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...