Una sa Balita

Parking boy nag-ipon para makakain sa resto

0 422

HINANGAAN ng marami ang pagsisikap ng isang bata na makapag-ipon upang makakain lamang sa isang restaurant.

Ang batang hindi pinangalanan ay nagtatrabaho bilang parking boy ng Yumgyeopsal-Baliwag branch.

Karaniwang barya lang ang inaabot sa kanya ng mga driver sa pagtulong ng pagparada ng sasakyan.

Isang araw, naisipan ng bata na magtanong kung magkano ang bayad sa pagkain sa restaurant.

“Since we have kid’s rate (4 ft above is regular price) and he’s above 4 ft but he told him na Php 175 na lang pag kumain siya,” ayon sa Facebook post ng nasabing resto.

Umalis saglit ang bata at pagbalik ay may bitbit na itong mga barya na nagkakahalaga ng kabuuang P175.

“Of course we accepted his payment, not because mukha kaming pera, but to teach him that if he wants something, he has to work for it.

I also learned that there’s nothing­ wrong of treating­ yourself when it comes to food once in a while. Don’t feel guilty. Imagine this kid treating himself nga e,” dagdag pa sa post ng restaurant.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy