Una sa Balita

Parking attendant binoga sa ulo habang tulog

By
0 129

BINARIL sa ulo ang isang parking attendant ng hindi kilalang salarin habang natutulog sa duyan sa Plaza Quezon ng Brgy. Sta. Ana, Taguig City kahapon nang madaling-araw.

Dead on the spot matapos magtamo ng isang tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo ang biktimang nakilala lamang sa pangalang ‘Ber’, na kadalasang natutulog lang sa Plaza Quezon sa Brgy. Sta. Ana ng lungsod na ito.

Base sa ulat, dakong alas-2:30 nang mada­ling-araw nang makatanggap ng report ang barangay hinggil sa pagkakatagpo sa wala ng buhay ng biktima na binaril sa kanyang duyan sa nabatid na plaza.

Agad namang rumesponde ang barangay at doon ay natagpuan nila ang biktima na may isang tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang Plaza Quezon na ang ginagawang tulugan ng biktima kung saan dito din siya kumikita bilang parking attendant ng ilang establisimyento.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang responsable sa pamamaslang at kung ano ang motibo nito.