Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pari sapol ng virus, simbahan ni-lockdown

0 104

Pinag-utos ni Jordan, Guimaras Mayor Ruben Corpuz ang pansamantalang pagsara ng isang simbahan sa kanilang lugar matapos na dapuan ang isang 64-anyos na pari ng COVID-19.

Sa nilabas na Executive Order No. 58, inanunsyo na lockdown muna ang St. John the Baptist Parish Church sa Brgy. Poblacion dahil sa kaso ng coronavirus.

SM food to go Banner Ad

Hindi naman sinama sa nasabing EO kung kailan matatapos ang naturang lockdown.

Ang naturang pari ay nagpositibo sa COVID-19 noong November 16 matapos na magkaroon ng contact sa isang carrier ng naturang sakit.

Sa buong bayan ng Jordan, nasa 14 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.