Una sa Balita

Pari sa Washington isinabit sa child pornography

By
0 139

Ini-recall ng Vatican ang kanilang diplomat na nasa Washington matapos ireklamo ng child pornography.

Nabatid na ang hindi na pinangalanang pari ay pinapabalik sa Vatican matapos isapubliko ng U.S. State Department ang kaniyang ginawang paglabag.

Base sa inilabas na kalatas ng Vatican, sinabihan sila ng U.S. State Department ng paglabag sa batas patungkol sa child pornography ng kanilang pari na nakatalaga sa Washington.

Nabatid na nakabalik na sa Vatican ang pari at hinihintay na lamang ang hatol sa kanyang kaso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More