Una sa Balita

Pari sa Cagayan niratrat sa misa

0 2,169

DEAD on the spot ang isang pari matapos barilin sa bayan ng Gat­taran, Cagayan, pasado alas-otso kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Fr. Mark Anthony Ventura, residente ng Barangay Naruangan, Tuao, Cagayan at nakatalaga bilang parish priest ng San Isidro Labrador Mission Station sa Barangay Mabuno ng parehong bayan.

Sa panayam ng radyo, sinabi ni S/Supt. Warren Gaspar Tolito, director ng Cagayan Police Provincial Office, na katatapos lang magmisa ni Fr. Ventura sa barangay gymnasium ng Piña Weste, Gattaran, nang mangyari ang insidente.

Naghahanda na aniya ang pari para naman sa seremonya ng binyag nang nilapitan siya ng gunman na nakasuot ng helmet at binaril ng dalawang beses.

Mabilis na tumakas ang gunman lulan ng motorsiklo na naghihintay malapit sa gymnasium.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng pagpaslang sa nasabing pari.