Una sa Balita

Pare, Saints abante sa NAASCU Final 4

0 232

HINDI nag-aksaya ng panahon ang defending champion Saint Clare College of Caloocan, Philippine Merchant Marine School, Enderun Colleges at Saint Francis of Assisi College sa quarterfinals ng 19th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) matapos burahin ang kanilang mga kalaro sa Caloocan Sports Complex Miyerkoles.

Sinigurado ng apat na paaralan na hindi mawawala ang kanilang pinaghirapang twice to beat advantage.

Umarangkada agad ang Saint Clare laban sa De La Salle Araneta University, 12-0, tungo sa 83-65 panalo.

Namuno para sa Saints si Mohamed Pare na may 20, puntos, 17 rebounds, tatlong agaw at tatlong tapal.

Haharapin ng Saints sa best-of-three semis ang PMMS matapos talunin ang Our Lady of Fatima University, 65-61.

Nanguna para sa PMMS sina Wendel Attas at Joshua Templo na parehong may 14 puntos.

Hinigpitan naman ng Enderun Colleges ang kanilang depensa sa mga shooter ng Philippine Christian University, 63-45, para makabalik sa Final Four sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Naghihintay sa Titans ang Saint Francis of Assisi na nagtagumpay sa New Era University sa isang pisikat at mainitan na laro, 59-53.

Magsisimula ang 19th NAASCU Final Four sa Martes. Ihahayag agad ng pamunuan ng liga ang lugar at oras.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy