Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paras, Niigata tumiklop uli

0 117

KINAPOS pa rin ang 21 points, 7 rebounds at 2 assists ni Kobe Lorenzo Paras para tumilapon ang Niigata Albirex BB kontra Gunma Crane Thunders, 85-79, sa pagpapatuloy ng 7th Japan B.League 2021-22 regular season game sa Ota Citizen sa Gunma Prefecture Linggo ng hapon.

Bitin para sa kampo ng Pinoy import ang double-double ni Jeff Ayres na 34 points at 16 rebounds sa pagsadad sa 5-44 win-loss slate, lalo pang nabaon sa pang-22 o pinakailalim na kalagayan.

Sunod na makakatapat ng Albirex BB at ni Paras sa darating na Sabado, Mayo 7 ang nasa pang-15 at may barahang 21-34 na Yokohama B-Corsairs sa nalalapit na pagwawakas ng yugto ng liga. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.