Una sa Balita

Paras muling humataw, Bulldogs tameme sa UP

0 386

UMARIBA ulit si Kobe Paras at ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons, tinalbos ang National University Bulldogs, 80-79, kahapon sa unang laro ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Lumagare si Paras ng 25 points, anim na rebounds at dalawang assists para ibigay sa UP ang 3-1 record.

Sa opening quarter lang nakadikit ang Bulldogs, 23-18, ngunit humarabas na ang Fighting Maroons pagpasok ng second quarter at hindi na muling lumingon pa.

“NU is a lot lot better than their zero-four slate,” pahayag ni UP head coach Bo Perasol.

Sa second game, inakay nina Jerrick Ahanmisi at Val Chauca ang Adamson University Soaring Falcons laban sa University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers, 78-71.

Sanib-pwersa sina Ahanmisi na nagtala ng 24 points, apat na rebounds, tatlong assists at Chauca na umiskor ng 18 points, walong assists, anim na rebounds, isang steal para iangat sa 3-2 win-loss record ang Falcons.

Panalo rin ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws kontra De La Salle University (DLSU) Green Archers, 66-55, sa third and final game kagabi.

Pinangunahan ni Pat Tchuente ang Tamaraws sa kinulektang 19 points, 11 rebounds at dalawang blocks katuwang si Wendell Comboy na nagtala ng 11 puntos, dalawang rebounds at isang assist.

Balik win column ang FEU na may 2-2 record habang lugmok sa 1-3 ang Green Archers. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy