Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paras inayawan ng Albirex

0 125

BINITAWAN ng Japan B.League team si Kobe Lorenzo Paras bilang Pinoy import.

Ito ay nang hindi mabigyan ng renewal contract ang 24-anyos ng Niigata Albirex BB para sa nalalapit na pagbubukas ng 8th B.League 2022-23 season.

Dahil ditto, lalanding ang former UP Fighting Maroon star sa free agency ng liga.

Naglaro si Paras para sa Albirex BB ng isang taon matapos pumirma ng 1-year contract kasabay ng ilang mga Pinoy baller gaya nina Bobby Ray Parks, Jr., Javier Joaquin ‘Javi’ Gomez de Liano, KieferI saac Ravena at iba pa.

Naglaro si Paras ng 49 games para sa B.League kung saan nag-average ng 8.2 points, 2.1 rebounds at 1.2 assists. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.