Una sa Balita

Paras, Akhuetie, UP ginapos ang Bulldogs

0 492

TULOY-TULOY ang pamiminsala nina Kobe Paras at ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons kontra National University (NU) Bulldogs, 80-77, Miyerkoles sa unang laro ng tripleheader sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Sampa sa 8-4 ang Diliman-based squad para sa No.2 spot sa pamumuno ni Paras na nagtala ng 19 points, apat na rebounds, anim na assists, isang steal at isang block, katuwang si Bright Akhuetie na may double-double na 16 points at 12 rebounds, may palamuti pang tigalawang assists at steals.

Nag-ambag rin sa panalo sina Jun Manzo na umiskor ng 14 points, apat na rebounds, dalawang assists at isang steal maging si Juan Gomez de Liaño na nagtala ng 11 points, 11 rebounds, anim na assists at dalawang steals.

Sa second game, dinomina ni Wendell Comboy at ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws ang Adamson University (AdU) Soaring Falcons, 63-60.

Niligwak ng Tamaraws na may 7-6 win-loss slate ang Soaring Falcons sa Final Four sa naturang panalo.

Sa ikatlong laban, pakitang-gilas si Jamie Malonzo at De La Salle University (DLSU) Green Archers matapos takasan ang University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers, 80-79.

Sampa sa 6-6 ang Green Archers samantalang baba naman sa 7-6 ang baraha ng Growling Tigers. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More