Una sa Balita

Parang kidlat ang COVID-19

0 496

LOYALTY check or reality check ang mga inaabot ngayon ng mga pulitiko sa kanilang mga kapitbahay, constituent, botante o kababayan.

Kailangan ng matinding tulong ng sambayanan lalo na sa larangan ng pagkain para stay home na lang sila.

Disiplina para sa mga pasaway na ayaw sumunod sa curfew at lockdown ng Enhanced Community Quarantine.

Sabi ni PRRD na dito masusubukan ang mga binoto ninyo. Kapag hindi nag-deliver ngayong oras ng krisis huwag na ninyo iboto sa susunod na eleksiyon.

Ang ibang pulitiko madiskarte, tumulong agad.

Hindi na nag-antay ng tulong galing sa national government. ‘Yung iba hindi kinaya ang pressure ng trabaho kaya ayan tago na lang o na-self quarantine kuno.

Ang sitwasyon kasi ngayon eh medyo mag-aabono ka talaga ng big time dito.

Naubos na budget ng pulitiko na kung saan nila nagastos.

Parang kidlat itong COVID-19 na ito na walang nakakaalam na bigla na lang sumulpot at tumaas ang dami ng nagkasakit at namatay sa Italy.

Grabe ang hawaan!

Kawawa naman ang mga matatanda na unang tinatamaan lalo na ang edad na 70 years old pataas.

‘Yung may mga pre-existing condition tulad ng mga diabetic, asthmatic at kung ano-ano pa, ingatan natin mga ka-Abante sila lolo at lola.

Huwag na muna nating ilabas.

Mabuti na yung nag-iingat. Walang kumpiyansa mga ka-Abante sa virus.

Saludo at papuri sa mga first responder tulad ng mga doctor, health workers, police at iba pang nagbubuwis ng buhay para humarap sa isang kalaban na hindi natin nakikita.

Ang hirap pala labanan ang ganitong virus.

Dasal, matinding pag-iingat at disiplina ang susi para maiwasan na maging isa kang biktima ng COVID-19.

Marami ding positive ang naibigay ng ganitong sitwasyon tulad ng pananalig sa Diyos, family time at good hygiene.

Naniniwala ako na in a few weeks time, unti-unting mababawasan ang mga magkakasakit at babalik ng dahan-dahan ang mga negosyo.

Dito ko lang talaga naramdaman na ang problema ng isa ay problema ng buong mundo tulad ng itong virus na ito.

Hindi pwedeng kanya-kanya.

Kailangan ng support sa ibang bansa na mas nakakaalam pagdating sa science.

Stay home, good hygiene at social distancing.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More