Una sa Balita

Parañaque nagbigay ng amnestiya sa delinkuwenteng property owner

0 269

Binibigyan ng hanggang Marso 31, 2020 ang mga delinkuwenteng real property ­owner para makinabang sa one-time real property tax amnesty.

Nilagdaan ni ­Mayor Edwin Olivarez ang ­Ordinance No. 19-32 na nagkakaloob sa lahat ng mga delinquent ­property owner ng general ­amnesty sa pagbabayad ng surcharges at penalties sa nagdaang limang taon.

Dahil rito, ayon kay Olivarez, ang mga pro­perty owner ay binibigyan ng pagkakataon na makaluwag sa penalties, surcharges at interests.

Ang tax amnesty program ay nagsimula ng Enero 1 at ­matatapos sa Marso 31 ng taong ito, alinsunod sa ordinansa.

Sa ilalim ng natu­rang ordinansa, sinasaklaw ng amnestiya ang lahat ng real properties at improvements na hindi nadedeklara para sa assessment purposes kaya hindi ­napapasama sa ­assessment rolls ng lungsod ang mga real properties na hindi na­kabayad ng real ­property tax sa loob ng nagdaang limang taon.

Gayunman, hindi kuwalipikado sa ­amnestiya ang mga property na merong nakabimbing kaso o merong ­protested cases sa korte.

Sinabi naman ni ­Olivarez na maraming taxpayer ang dumanas ng mga kahirapan sa buhay sa nagdaang mga taon kaya nahirapan ­silang magbayad ng ­basic taxes, fees, at charges sa pamahalaang lungsod.

“Bunga nito, ang ­hindi nababayarang mga buwis ay nagkaroon ng mga surcharges at penal­ties na lalong ­nagpahirap sa mga taxpayer na ­matugunan ang kanilang mga ­obligasyon,” dagdag ng ­alkalde.

Para matugunan ang mga pabigat na ito sa ­pananalapi, ayon kay ­Olivarez, ipinasya ng pamahalaang-lunsod sa pamamagitan ng ­konseho ng lunsod na magbigay ng tatlong buwang tax holiday sa mga real property owner.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More