Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Parañaque mayor nag-sorry sa pamilya ng kinawawang vendor

0 127

Humingi ng paumanhin si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa pamilya ng vendor na malupit na hinuli ng mga miyembro ng city task force sa ginawang clearing operation.

“Gusto ko lang pong himingi ng paumanhin sa pamilya ni Warren (vendor), hindi po talaga yun ang protocol ng ating city,” sabi ni Olivarez sa isang panayam, “Kung sino po yung nagkasala, sasagutin po nila ‘yon.”

Sa nag-viral na medio sa social media, makikita ang pagpapadapa sa vendor na nakilalang si Warren, na umano’y tumangging ibigay sa mga awtoridad ang kanyang kariton.

Ayon sa alkalde, “Binalik po sakanya, hindi po kinuha ‘yung kariton. Binalik po ‘yung kariton po sa kanya. Ang hindi lang maganda, nasaktan po si Warren.”

Nasa Baclaran umano ang vendor at nasa maayos nang kalagayan pero dama pa rin ang takot at anxiety dahil sa pangyayari.

Sinuspinde na ang 5 task force personnel na sangkot sa paghuli sa vendor. Mahaharap din umano sila sa pagkasibak dahil sa paggamit ng labis na puwersa.

Nagulat umano ang alkalde sa nangyari na unang beses umanong nangyari sa 5 taon nilang pagpapatupad sa ordinansa.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.