Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Parañaque bumili ng 200K dose ng COVID-19 vaccine

0 160

Pormal nang nilagdaan ang kasunduan sa pagitan ng lokal na panahalaan ng Parañaque at AstraZeneca Phamaceutical Phils para sa pagbili ng 200,000 dose ng COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng isang milyong dolyar.

Sinabi ni Mayor Edwin Olivarez kahapon na pormal na selyado na ang multilateral agreement para sa maagang pagbili ng AZD1222 vaccine noong nakaraang Linggo, Enero 10.

Ang AZD1222 vaccine ay ginawa ng AstraZeneca UK sa pakikipagtulungan ng Oxford University ng Britain sa ilalim ng kasunduan na ‘no profit, no loss arrangement’ habang may pandemya.

“The purchase price is for $5 per dose, or a total of $1 million for the city government,” anunsyo pa ni Olivarez kasabay nang pangako na libre itong ipapamahagi sa lahat ng residente ng lungsod sa sandaling maging available na ito sa bansa.

Nauna nang sinabi ng alkalde na naglaan ang city government ng paunang P250 milyon para sa 2021 budget at karagdagang P1 bilyong ‘standby fund’ para bibilhin vaccine laban sa COVID-19.

Bukod sa Paranaque, bibili din ng nasabing gamot ang Quezon City, Maynila at iba pang lungsod sa Metro Manila.

“Once these vaccines are delivered, we shall immediately roll out a vaccination program that will cover the most vulnerable population, including our frontline workers and senior citizens,” dagdag pa ng alkalde na chairman ng Metro Manila Council.

Aniya, malaking hakbang ito para tuluyang malabanan ang pagkalat ng virus.

Bukod sa AstraZenica, plano din ng Paranaque na bumili ng vaccine sa ibang drug manufacturer gaya ng Janssen, Pfizer/BioNTech at Moderna.

Sinabi naman ni city health officer Olga Virtusio na plano nilang unahin ang nasa 119,200 residente para sa unang bahagi ng vaccination program kung saan kasama ang mga

frontline worker, uniformed personnel, persons with disabilities (PWD) , senior citizen at mga mahihirap.

Target ni Olivarez na maabot ang ’90 percent vaccination coverage’ sa buong populasyon ng Parañaque para makamit ang 70 porsiyentong herd immunity sa kalunsuran.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.