Una sa Balita

Parak tinadtad ng bala

By
0 118

ZAMBOANGA CITY — Patay ang isang pulis matapos itong tadtarin ng bala ng mga ‘di kilalang armado sa Lamitan City sa lalawigan ng Basilan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si PO3 Basir Sangcopan na nakadestino sa Lamitan City Police Office. Hindi pa malinaw ang motibo ng pagpatay sa parak kamakalawa lamang at kung sino ang nasa likod nito.

Nabatid na sa mismong bahay ni Sangcopan ito niratrat ng dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo. Hindi naman agad mabatid kung paano nakalusot ang mga armado sa Lamitan.

Isa sa mga ito ay armado ng automatic rifle.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy