Una sa Balita

Parak noon, tulak ngayon binulagta

By
0 131

Bulagta ang isang da­ting pulis na umano’y nakatalaga sa Southern Police District, matapos ang tangkang panlalaban sa mga tauhan ni P/Supt. Christopher Olazo ng Bacoor City Police sa Cavite, kahapon ng umaga.

Kasama ang may-akda nang akmang ihahain ang search warrant laban sa drug personality na si Romeo Flores @ Romy Palacio, 43-anyos, ng Blk 8 Lt 17-18 Cristal St., Mary Homes Subdivision, Molino 4, Bacoor City, Cavite, pa­sado alas-sais ng umaga kahapon.

Armado ang suspek ng cal. 380 nang makaengkuwentro ang mga operatiba sa loob mismo ng bahay nito at sa palitan ng putok ay walang buhay na humandusay ang dismissed na sa serbisyong suspek.

Narekober sa bahay nito ang ilang sachet ng shabu, drug para­phernalia at weighing scale.

Habang pinopro­seso ng SOCO ang bangkay ay nakunan pa ito ng 2 plastic sachet ng shabu sa kanang bulsa.

Lumalabas rin sa panayam ng Abante sa mga kalapit bahay ng suspek na sakit ng ulo nila ito sa tuwing magsisiga-sigaan sa lugar, nanunutok at namamalo pa umano ito ng baril at diumano’y mga de-kotse pa ang mga nagpupuntang mga kli­yente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy