Una sa Balita

Parak inambus ng 8

By ,
0 41

Sugatan ang isang alagad ng batas na nakatalaga sa Malabon City Police matapos na tambangan ng hindi pa nakikilalang walong kalalakihan sa Lungsod ng Navotas na umabot pa sa Lungsod ng Maynila ang habulan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Navotas City Police PO2 Christian Ang ay ganap umanong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Road 10, Barangay North Bay Boulevard South (NBBS), Lungsod ng Navotas.

Papauwi umano sana sa kanilang bahay sa Cavite ang biktimang si PO3 Noel Abarro, 45-anyos, miyembro ng Malabon City Police – Drug Enforcement Unit at Intelligence Unit kasama ang kanyang misis at sakay ng Toyota Adventure nang bigla na lamang umano siyang pagbabarilin ng nasa walong mga kalalakihan na lulan ng tatlo hanggang apat na motorsiklo.

Nagkaroon ng habulan hanggang sa umabot na sila sa Vitas Katuparan, Tondo, Lungsod ng Maynila, doon na inihinto ni Abarro ang kanyang sasakyan saka luma­bas upang hindi na madamay pa ang kanyang misis at kahit sugatan ay ginantihan ng putok ang mga suspek.

Mabuti na lamang at saktong may dumadaan noong police mobile ng mga tauhan ng Manila Police District – Station I na rumoronda sa lugar at agad na tinulungan ang kanilang kabaro ngunit mabilis pa ring nakatakas ang mga salarin na pawang naka-helmet umano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy