Una sa Balita

Parak, 1 pa tigok sa ambus

By
0 125

Patay ang isang pulis at isang sibilyan matapos tambangan ng riding-in-tandem sa bayan ng Tuy, Batangas kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina PO3 Pedro Oronico, nakatalaga sa Tuy Police at ang sibilyan na si Arjhon Gonzalez.

Ayon sa report, sakay ng isang motorsiklo ang mga biktima nang abangan at pagbabarilin pagsapit sa Brgy. Putol ng naturang bayan.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sakay ng isa ring motorsiklo patungo sa bayan ng Balayan.

Isinugod pa sa Western Batangas Medical Center sa Balayan ang mga biktima pero ideneklara na itong dead on arrival ng doktor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy