Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paragua, ‘Pinas winalis Kyrgyzstan

0 126

Sa pagtrangko ni Grandmaster Mark Paragua na tinaob si International Master Asyl Abdyjapar sa 20 moves lang ng English Opening , binutata ng Pilipinas ang Kyrgyzstan, 6-0, sa pag-uumpisa nitong Biyernes ng 1st FIDE (World Chess Federation) Online Chess Olympiad 2020.

Ang maangas na pinakita ng US-based woodpusher ang aktuwal na nagsimuno sa matingkad na laban ng lima pang mga kababayang sina GM Rogelio Antonio Jr, Woman IM Catherine Pereña-Secopito, Jerlyn Mae San Diego, IM Michael Concio at WIM Bernadette Galas.

Four Knights ang sinandalan ni Antonio laban kay Andrei Maznitsin na sumuko sa 32 tirahan, binayo ni Secopito si Diana Omurbekova, binambo ni San Diego si Shakhnazi Musaeva, inararo ni Concio si Aziz Degenbaev at nilaslas ni Galas si Aizhan Alymbai Kyzy.

Nasa landas ng ‘Pinas ang Indonesia sa round na two na galing sa 4.5-1.5 pagdaig kontra Turkmenistan.

Mamando sa Perlas ng Silangan sina Paragua, GM Rogelio Barcenilla Jr., WGM Janelle Mae Frayna, WIM Jan Jodilyn Fronda, IM Daniel Quizon at WIM Kylen Joy Mordido (Ramil Cruz)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.