Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paragua ayaw paawat

0 83

PATULOY ang pamamayagpag ni GM Mark Paragua matapos magkampeon sa katatapos na ‘Baby Uno Chess Challenge Online Tournament’ na nilaro sa lichess.org.

Tumapos ang New York City chesser ng undefeated na may 10.5 points mula 10 wins at 1 draw sa 11 games para magkampeon sa event na nilahukan ng mga Filipino woodpusher sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pumangalawa si Sherwin Tiu na may undefeated record din na 9.5 points mula 8 wins at 3 draws.

Nasa third place si Dubai, United Arab Emirates based Rocky Pabalan na may 9 points. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.