Una sa Balita

Para`di mahawa ang pamilya; pulis nagsolo-tolda sa labas ng bahay

0 454

Para mapangalagaan ang kanyang pamilya laban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pansamantalang tumira sa tent sa labas ng kanilang bahay ang isang pulis para sa self-quarantine sa Bacolod City.

Ang larawan ni Police Lt. Honey Labaro ay nag-viral sa facebook kung saan kumakain siya sa labas ng kanilang bahay habang sinisilip siya ng kanyang 9-anyos na anak na babae sa kanilang screen door.

Naglagay rin ng tent ang pulis sa tabi ng kanyang kinakainang mesa habang nagsi-self quarantine.

Nanawagan rin siya sa kanyang post “I keep distance from my family because I’m afraid I may be a carrier too,” ang sabi pa ni Labaro sa kanyang post. “So PLEASE STAY AT HOME so that this pandemic will not last long. LIKE YOU, WE ALSO LOVE TO GO OUT WITH OUR FAMILY.”

Napag-alaman na limang buwan ding nalayo ang pulis sa kanyang pamilya matapos mag-schooling para sa kanyang promotion sa Cebu City. Noong Marso inaasahan sana siyang sumampa sa kanilang graduation sa Iloilo City ngunit napigil dahil sa banta ng COVID-19.

May natitira pa siyang 10 araw bago matapos ang kanyang 14-day quarantine. (Riz Dominguez)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More