Una sa Balita

Parade of Stars sa Muntinlupa ikinalungkot ng fans

By
0 30

Brilliant idea ang Palengke Tour ni Coco Martin at ang motorcade niya sa largest cities ng Metro Manila dahil na-appreciate ito ng mga kababayan natin. 

Saksi kami nang mabulabog noong Sabado ang mga tao sa Nepa Q-Mart nang biglang dumating ang motorcade ni Coco, kasama ang mga co-star niya sa Ang Panday, ang kanyang pelikula na official entry sa 43rd Metro Manila Film Festival.

Hindi natapos sa palengke tour noong Sabado ang pagpo-promote ni Coco dahil nagkaroon siya ng mga mall show at motorcade noong Linggo.

Sa December 23 ang Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival 2017 sa Muntinlupa pero bago pa ito mangyari, naunahan na sila ni Coco.

Sa matagal na panahon, nasanay ang mga Pilipino na idinaraos sa kahabaan ng Ro­xas Boulevard ang parada ng mga artista kaya may mga nalungkot nang malaman nila na binago ang venue dahil hindi madali para sa kanila ang pumunta sa Muntinlupa City.

Brilliant idea ang palengke tour at motorcade ni Coco dahil imbes na ito ang puntahan ng fans sa Parade of Stars sa Muntinlupa sa Sabado, siya at ang kanyang mga think tank ang gumawa ng paraan na makalapit sila sa mga tao na tuwang-tuwa nang makita sa personal ang lead star ng Ang Panday.

MMFF trophy tribute sa Icons ng PH Cinema

Hindi na lalaitin ang mga trophy na ipamumudmod ng organizers ng 43rd Metro Manila Film Festival sa Gabi ng Parangal na magaganap sa Kia Theater sa December 27 dahil maganda ang design at matibay ang pagkakagawa ng furniture art designer na si Clifford Espinosa, ang chief designer ng Espinosa Arts and Design.

Noong nakaraang taon, umani ng batikos ang mga trophy na ipi­namahagi ng MMFF Execom dahil sa kakaibang hugis at natatanggal na pangalan ng mga kategorya at winners.

Para sa 2017, tiniyak ng MMFF organi­zers na maipagmama­laki ng mga magwawagi ang mga tropeo na binigyan ng pangalan na Action, may design ng projector reel at gawa mula sa kahoy ng yakal, ipil at narra.

“I made the base of the trophy broad made with several wooden layers, which visually demonstrates the history of Philippine Cine­ma from its early beginnings to present day.

“The trophy can be held by both hands, and held comfortably well when raised with the arms in a sign of victory for the awardees.

“The wooden reel is made of two pieces, three round holes to show the three components of film making: the story, the characters and the technology needed to complete each films,” ang paliwanag ni Espinosa tungkol sa obra maestra niya. Idinagdag ni Espinosa na handmade ang wood trophies na para sa kanya ay fitting tri­bute sa Icons ng Philippine Cinema.