Una sa Balita

Para tumino: Jaywalker magkaka-record sa NBI – MMDA

By
0 391

DAHIL matitigas ang ulo, plano ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang mahuhuling mga jaywalker ay dapat magkaroon ng record sa National Bureau of Investigation (NBI) at maging isa sa requirements sa oras na mag-apply ng trabaho.

“Pinaplano po ng MMDA na ang ma-a-apprehend natin na jaywalker ay magkakaroan ng lamat sa kanilang mga NBI records,” ito ang pahayag kahapon ng tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago.

Sinabi ni Pialago, base sa record ng MMDA sa 54 porsiyentong road accidents sa Kalakhang Maynila, ang isa sa mga dahilan ay dahil sa mga jaywalker kung saan aabot sa 200 violator ang huli ng MMDA dahil sa paglabag sa anti-jaywalking at inisyuhan ang mga ito ng tiket na may multang P500 o kaya’y pinarusahan ng community service.

Pag-uusapan aniya at ipapanukala sa Metro Manila Council (MMC), ang policy-making body ng MMDA ang nasabing parusa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy