Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Para sa mga gutom: Regine Velasquez nagbebenta ng bag

0 442

Para sa mga nagugutom at walang trabahong musikero ay ipinaubaya ni Regine Velasquez ang kanyang Hermes Birkin Purple Bag. Pinoste ni Ogie Alcasid ang bag sa kanyang Instagram para ipanawagan sa mga netizen kung sino ang intresadong bilhin ang nasabing koleksyon.

“Salamat mahal for contributing this one. This will help our OPM singers and musicians.”

Hindi bababa sa P.9M to P1.5M ang halaga ng mga simpleng bag na Hermes, na sinasabing pinakamahal na brand na bag sa buong mundo.

Milyones na ang pinakakawalan ni Regine para sa mga apektado ng pandemic. Ilang mamahaling bags na ang dinonate niya sa proyekto ni Angel Locsin. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.