Una sa Balita

Para sa family week celeb Pasok sa gobyerno sinuspinde

0 225

SINUSPINDE ng Malacañang ang pasok sa mga tanggapan sa ehekutibo ngayong Lunes, epektibo alas-tres nang hapon.

Layon nito na bigyang-daan and selebrasyon ng 27th National Family Week Celebration at magkaroon ng pagkakataon ang mga kawani ng gobyerno na makapi­ling ang kanilang pamilya.

Batay sa Memorandum Circular No. 65 na inisyu ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang suspension sa pasok sa mga tanggapan sa ehekutibo ay alinsunod sa Proclamation No. 60 (s.1992) na nagdedeklara sa huling linggo ng Setyembre kada taon bilang Family Week.

Gayunman, nakasaad sa Memorandum Circular No. 65 na hindi kasama sa suspension ang mga tanggapang naghahatid ng mga pangunahing serbisyo, gaya ng mga ahensiyang tumutugon sa mga kalamidad, bagyo at mga emergency case.

Ipinauubaya na ng Palas­yo sa iba pang sangay ng pamahalaan gaya ng lehisla­tibo at hudikatura ang pagpapasya kung magsususpinde rin sa kanilang operasyon ngayong Lunes.

(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy