Una sa Balita

Para sa bayan: Alejano ‘di papatinag kay Duterte

By
0 903

Hindi apektado ang Magdalo congressman at kandidato ng Otso Diretso na si Gary Alejano sa mga pa­tutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan laban sa kanya at sa grupong Magdalo.

Sa katunayan, ipinagmamalaki pa ni Gary, na isang dating sun­dalong Marine na sila sa Magdalo ay tumayo laban sa mga mapang-abuso at tiwa­ling opisyal sa gobyerno.

“‘Di ko kinakahiya ang pagkakulong ko dahil sa prinsipyo at ‘di dahil sa nagnakaw ako sa kaban ng bayan o naging mamamatay tao ako ng kapwa ko Pilipino,” ani ni Gary.

Hinikayat din niya si Duterte na ipa-check ang kanyang mga nagawa bilang mambabatas sa Kongreso.

Sinagot din ni Gary ang pangu­ngutya ng Pangulo sa paglunsad nila ng kudeta laban sa administrasyong Arroyo, o mas kilala bilang Oakwood mutiny noong 2003.

Iginiit niya na mula pa noong sundalo siya hanggang sa maging mam­babatas siya, hindi siya nagkulang sa paglaban sa kalayaan ng bansa.

“Hindi kudeta ang ginawa namin. Check the elements of coup d’etat. Abogado pa naman kayo. ‘Di kami tumakbo kahit ‘yun ang mga kasong sinampa sa amin. We were not there to kill our fellow soldiers and policemen,” paliwanag niya.

Binalikan din niya ang pangako ni Duterte na siya ay magda-drive ng jetski papuntang West Philippine Sea at magtayo ng bandera ng Pilipinas para igiit ang karapatan natin sa nasabing teritoryo.

Bukod kay Alejano, kabilang din Otso Diretso slate sina Senator Bam Aquino; ang mga nagbabalik na lingkod-bayan na sina dating senador Mar Roxas at dating Congressman Erin Tañada; at ang mga bago ring sasabak sa politika: Dating solicitor general Pilo Hilbay, ang iginagalang na human rights lawyer na si Chel Diokno, beteranong election lawyer na si MacaRomy Macalintal, at dating ARMM assemblywoman na si Samira Gutoc.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy