Una sa Balita

Para menos gastos! Solon naki-join sa Christmas party

0 251

UPANG makaiwas sa malaking gastos ngayong Kapaskuhan, sumama na lang ang isang mambabatas sa isang grupo na nag-oorganisa ng Christmas party.

Ayaw kasing magsolo ng mambabatas dahil milyong piso ang gagastusin dito kaya naghanap ito ng grupo.

Ang classic nito, nakamenos gastos na siya sa grupo, umiral pa ang pagkakuripot niya ngayong Christmas season.

Eh paano ba naman kasi, halos wala siyang inambag sa grupo kundi presensiya lang ang gusto niyang ibigay sa party.

Kinantiyawan tuloy ito ng mga kagrupo at sinabihang maglabas ng pera.

Pintahan n’yo na. Ang mambabatas na naki-join sa Christmas party ng grupo para makabawas sa gastos ay kilalang matakaw at may letrang D sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More