Una sa Balita

Para ma-promote! Digong puwedeng lumangoy sa Boracay — DOT

0 299

IREREKOMENDA umano ng Department of Tourism (DOT) kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte na lumangoy sa Boracay.

Sa panayam kay DOT Undersecretary Art Boncato Jr., ­sinabi niyang maaaring ­lumangoy ang Pangulo sa sikat na white-sand beach ng isla.

Una rito, inanyayahan ni Duterte ang mga Pilipino na magpunta sa iba’t ibang pasyalan sa bansa.

Ayon pa sa DOT, ­bibisitahin ng ­Pangulo ang mga popular na mga tourist site sa Boracay, Cebu, at Bohol sa mga susunod na linggo para mapalakas ang domestic tourism sa gitna ng COVID-19 outbreak na kumitil sa buhay ng tinatayang 2,000 katao.

“Pagpunta po sa ­Bohol, Cebu and ­Boracay, these are coastal destinations.”
“So, maaari pong ipapakita natin dito iyong mga pinakasikat na beaches for example ano, at saka iyong mga acti­vities na ­nagbibigay ng mga unique ­experiences sa mga turista,” said Boncato.

Dagdag niya, “At malamang ipapakita rin natin iyon sa local communities. Importante kasi iyong role ng local community sa tu­rismo dahil sila po ang nagbibigay nga ng aside from probably sources ng pangangailangan ng industriya, sila rin po ay nagbibigay ng uniqueness sa experience ng mga bisita sa Pilipinas.” (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More