Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Para kita beauty! MMDA spox naghubad ng face mask

0 79

Bumisita sa Zambales si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesman Celine Pialago.

Sa Facebook post ng isang empleyado ng President Ramon Magsaysay State University ay kitang walang suot na face mask ang tagapagsalita habang nakasakay sa solar vehicle.

Ayon sa nag-post na si Roberto Briones, ang ganda raw ni Pialago kaya ni-request niya na huwag na munang mag-face mask dahil pipiktyuran niya ito.

“Sa mga nakapansin po…sadya ko pong pinapatanggal ang kanyang facemask pag pinipicturan ko sya…sayang naman kasi kung hindi makita ng buo ang kanyang magandang mukha at matamis na ngiti…minsan na nga lang syang magawi dito sa malayo at bulubundukin pero paraisong lalawigan ng Zambales,” saad ni Briones.

Sa dulo ng video ay nagsuot na ng face mask si Pialago.

Pero sa isa pang video post ni Briones kapansin-pansing hindi rin nagsuot ng face mask si Pialago habang nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa loob ng opisina ng presidente ng unibersidad. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.