Una sa Balita

Para kay Mama Mary Ai-Ai namigay ng mga regalo, nagpakain sa mga batang kapuspalad

0 231

abante-i-know-better-jun-nardoUmaapaw sa rami ng tao ang BF Homes covered court nu’ng Sabado, Setyembre 8, na dumalo sa handog ni Ai-Ai delas Alas sa birthday ni Mama Mary.

Sa ilang kaara­wan ng Birheng Maria na handog ni Ai-Ai na aming nadaluhan, kakaiba ang ginawa niyang selebrasyon ngayon dahil sa presence ng matatanda at bata na kanyang pinakain at binigyan ng regalo.

“Dati kasi, tayu-tayo lang ng kaibigan ko at mga nakatira sa village. Gusto ko kasing maging makabuluhan naman this time kaya humingi ako ng tulong sa Legion of Mary para papuntahin sila ngayon.

“Taon-taon ganyan na ang gagawin ko. Balak ko ring makipag­-usap sa mga mayor para ‘yung nasasakupan naman nila ang imbitahin ko,” pahayag ni Ai-Ai.

Sa totoo lang, nagsi-set up pa lang ay nasa court na si Ai-Ai. Sa tulong ng iba eh, inayos niya ang ginawang altar, ang blocking ng catering, sound system at iba pa.

Pero walang rekla­mong narinig sa Come­dy Queen, huh!

“All for the love of Mama Mary!” rason ni Ai-Ai.

Katuwang niya sa pag-aasikaso ang anak niyang si Sancho at ang girlfriend nito. Present din ang mga kaibigang pari na nagmisa at ang BFF niyang si Michael Angelo.

Exceptional indivi­dual talaga si Ai-Ai. Puwede namang isang beses lang niyang ginagawa ito. Pero na­ging debosyon na niya taon-taon ang maghandog ng selebrasyon para kay Mama Mary na walang hinihinging kapalit.

No wonder, walang tigil ang agos ng biyaya kay Ai-Ai. Bukod­ sa kanyang TV show na The Clash, magsisimula na siya sa Viva movie niyang Sons of Nanay Sabel sa September 17 at bago ‘yon, Setyembre 16, bubuksan ang kanyang bagong resto na Ai-Sian Fusion.