Una sa Balita

Para iwas shortage: Paglabas ng pagkain sa BOC, simplehan — Lapeña

By
0 164

PINAMAMADALI ng Bureau of Customs (BOC) ang pagproseso sa mga dumarating na pangunahing produkto gaya ng bigas, asukal at karne at matugunan ang umano’y artificial shortage sa suplay ng pagkain.

Sa memorandum na ipinalabas ni BOC Commissioner Isidro Lapeña, inaatasan nito ang lahat ng mga port official na ang mga gene­ral shipment na isina­ilalim sa alert order ay kinakailangang maeksamin sa loob ng 48 oras, habang ang mga pe­rishable good ay dapat na mabusisi sa loob ng 24 oras mula nang maipalabas ang alert order.

Ang mga kargamento na hindi makikitaan ng iregularidad ay kinakailangan umanong mailabas sa loob ng 48 oras.

“We are issuing alert orders on shipments with derogatory reports to balance our trade facilitation and border protection efforts. All shipments found with no irregularities are cleared immediately,” saad ni Lapeña.

Iniutos din ni Lapeña sa mga port official na bantayan nang husto ang galaw ng mga barko na nasa breakwater.

“We are only asking the importers to give what is due to the go­vernment and to declare their items accordingly. If they are doing things by the law, we do not have any reason to issue alert orders,” dagdag ni Lapeña.

Ginawa ni Lapeña ang kautusan sa pagpasok ng ‘ber months’ kung kailan inaasahang tataas ang konsumo sa pagkain ng mga Pilipino dahil sa papalapit na Pasko.