Una sa Balita

Para hindi matuli: 5-anyos umakyat sa bubungan ng ospital

0 369

Sa takot, isang batang lalaki ang tumakbo at nagtu­ngo sa bubungan ng medical centre para makaiwas na matuli sa Indonesia.

Binahagi ng doktor na si Dr. Anik Sutari, mula sa Serang City, capital ng Banten province, sa kanyang Facebook page ang insidente.

Aniya, sa 20-taon niyang pagiging doktor at libo-libong bata na ang kanyang natuli, ngayon lang siya nakaengkuwentro na batang tumakbo at umakyat pa ng bubungan para hindi matuli.

Wala umanong nagtangkang akyatin ang bata maging ang nanay nito dahil sa takot na tumakbo pa palayo ang 5-anyos at madisgrasya pa sa taas ng bubungan.

Makalipas ang da­lawang oras, naisip ng mga magulang ng bata na tawagan ang teacher na close nito para kumbinsihin ang anak na bumaba,
Sa kuwento pa ng doktor, nang duma­ting ang guro ay agad nitong naudyukan ang bata na bumaba sa bubong at mas nakakagulat pa aniya ay nakumbinsi rin nito na magpatuli ang bata nang hindi pinupuwersa.

Normal na sa mga pamilya ng mga Muslim sa Indonesia na ipatuli ang mga lala­king anak sa edad pa lang na 5-anyos. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy