Una sa Balita

Para ‘di pasukin ng sulfur: LRT-2 wala munang aircon

0 283

PANSAMANTALANG wala munang bubuksang air conditioning system ang mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ito ay dahil sa pa­ngambang pasukan ng abo o sulfur mula sa sumabog na Taal Volcano na posibleng ikasira ng mga tren.

Ayon sa management ng LRT, hindi rin pahihintulutan na buksan ang mga bintana upang hindi pasukan ng volcanic ash ang loob ng tren at hindi maapektuhan ang mga pasahero na kung saan ay sinisiguro nila na tuloy pa rin ang operasyon ng kanilang mga biyahe ng tren mula Recto sa Maynila hanggang Cubao sa Quezon City.

Matatandaang bumuga ng abo ang Taal Volcano noong Linggo na kung saan umabot ito ng 50,000-feet ang taas na nagbigay ng pangamba sa mga kalapit na residente maging sa Metro Manila.

Sinuspinde rin ang lahat ng klase sa Metro Manila maging­ ang ilang biyahe sa mga paliparan. (Vick ­Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More