Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Para ‘di kulelat: DepEd kopyahin diskarteng English ng Singapore

0 86

IMINUNGKAHI ng isang solon sa Department of Education (DepEd) ang paggaya sa diskarte ng Singapore sa pagtuturo ng English para tumaas ang kakayanan ng mga estudyante sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Cebu Rep. Eduardo Gullas nangu­ngulelat ang mga estud­yante ng bansa batay sa mga pag-aaral kaya dapat lamang tularan nito ang ginagawa ng Singapore.

“Our children deserve every opportunity to learn and grow so they can achieve the highest standard of living for themselves,” ani Gullas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod sa pagiging common language, ang Ingles ang lenguwahe sa pakikipagkalakalan at makabagong teknolohiya kaya naman maraming pamilya sa China at South Korea ang gumagastos para matuto ng naturang lengguwahe ang kanilang mga anak.

Kapag natapos na umano ang pandemya, dapat magpadala ang DepEd ng mga guro sa Singapore na mag-aaral kung papaano ang ginagawang pagtuturo roon.

Ang Pilipinas ang pinakamababa sa reading proficiency at ikalawa sa pinakamababa sa mathe­matics at scientific proficiencies sa pag-aaral ng Programme for International Student Assessment (PISA) sa mga mag-aaral na 15 taong gulang sa 78 kalahok na bansa. (Billy Begas)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.