Una sa Balita

Paputok nina Amer, Maliksi supot

By
0 240

Taas-baba ang laro ng mga pamato ng Meralco na sina Baser Amer at Allein Maliksi sa unang tatlong labanan sa PBA Governors Cup Finals.

‘Di makuha ng dalawang gunner ang kanilang pulso, lubog ang Bolts sa Ginebra 2-1 sa best-of-seven series.

Sa 91-87 loss ng Meralco sa opener sa nakaraang Martes, may 9 points si Amer pero 2 of 10 lang mula sa field sa loob ng 28 minutes. Off the bench ay 0 for 4 mula 3-point range at 0 of 5 overall si Maliksi, ang 2 points niya sa loob ng halos 21 minutes ay galing sa stripe.

Ibinuhol ng Meralco ang serye sa bisa ng 104-102 victory sa Game 2 nitong Biyernes sa Lucena City, bumawi si Amer sa 17 points (6 of 11 shooting overall, 5 for 9 sa labas ng arc), pero malamig si Maliksi.

Kulang 7 minutes lang ang nakuhang playing time ni Maliksi, walang naipasok sa apat na tira.

Sa Game 3 nitong Linggo na muling itinagay ng Gin Kings 92-84, pinaghirapan pa ni Amer ang 6 points niya mula 2 of 5 shooting sa 24:11 na itinagal sa loob. Si Maliksi ay 1 of 4 tungo sa katiting na 2 points sa loob ng 16 minutes.

Sa tatlong laro ay absent ang shooting ni Maliksi, anemic na 1 of 13 clip mula sa field.

Noong Huwebes ay ipinanganak ang first baby – isang lalaki – nina Maliksi at kanyang asawa, pero sa court ay ‘di nakisama ang bola sa kanyang mga bitaw.

‘Di sigurado kung makakalaro si Raymond Almazan (knee injury) sa Game 4 bukas, inaasahan ang pagputok nina Amer at Maliksi para punan ang scoring load ng Bolts.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More