Una sa Balita

Paputi ng ari patok sa Thailand

By
0 2,018

Tinatayang 100 kalalakihan kada buwan ang sumasailalim sa proseso sa isang ospital sa Bangkok para lang paputiin ang kanilang ari.

Kung dati ay pagpapaputi lang ng mukha at katawan ang ginagawa sa Lelux Hospital, pinasok na rin nila ang pagbabago ng kulay ng ari sapul noong isang lalaking customer ang lumapit sa kanila at nagreklamo sa maitim niyang kargada, may anim na buwan na ang nakararaan.

“These days a lot of people are asking about it. We get around 100 clients a month, three to four clients a day,” ani Bunthita Wattanasiri, general manager ng Skin and Laser department ng nasabing ospital.

Nabulabog ang mundo ng social media noong Huwebes matapos maglabas ng litrato ang ospital hinggil sa isang lalaking sumasailalim sa proseso ng pagpaputi ng ari gamit ang laser whitening.

“We have to be careful because it’s a sensitive part of the body,” dagdag ni Bunthita.

Karaniwan sa kanilang kliyente ay may edad 22 hanggang 55 at karamihan ay galing sa LGBTQ community ng Thailand.

Nagkakahalaga ng $650 (P32,500) ang limang sesyon ng pagpapaputi ng ari. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy