Una sa Balita

Papua New Guinea prime minister nag-resign

0 320

Nagbitiw bilang Prime Minister ng Papupa New Guinea si Peter O’Neill bunsod ng pagtalon ng kanyang mga opisyal patungo sa oposisyon.

Si O’Neill, 54, na pitong taon nang nakaupo sa puwesto ay pinagbibitiw nitong mga nagdaang linggo dahil sa iba’t ibang isyu.

Subalit dahil sa defection ng kanyang mga opis­yal noong Biyernes, nabawasan na ang kanyang mga tagasuporta para maipagpatuloy ang kaniyang paninilbihan.

Ibibigay ni O’Neill ang posisyon sa dating PM na si Sir Julius Chan.
Nais naman ni Chan na magkaroon ng maa­yos na transition upang masiguro ang katatagan ng bansa sa South Pacific na mayroon lamang 7.3 mil­yong populasyon.

“I want to thank the Prime Minister Peter O’Neille for all that he has done to bring this country to where it is today,” pahayag ng uupong bagong lider ng Pa­pua New Guinea.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy