Una sa Balita

Papakyawin!

Kasaysayan papaluin ni Cariño, Lady Altas

By
0 396

Laro ngayon: (Game 3 Finals)
(FilOil Flying V Centre)
4:00 p.m. – Perpetual Help vs Arellano U (women’s)

MATIRA-MATIBAY ang University of Perpetual Help System Dalta at defending champion Arellano University para sa inaasam na korona sa 94th NCAA women’s volleyball tournament.

Nasagad sa dulo ang best-of-three finals sa pagitan ng Lady Altas at Lady Chiefs kaya naman bawal silang kumurap pagharap nila sa do-or-die Game 3 ngayong alas-4 ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Pagkakataon ng Perpetual Help na masilo ang lahat ng divisions, matutupad ito kapag tinalo ng women’s team nila ang tigasing Arellano University.

Una nang nagkampeon ang Junior Altas sunod ang men’s senior ng Perpetual Help, kapag nagkataon ay masasama sila sa elite club na nakagawa ng pagwawalis sa lahat ng division.

Nakagawa pa lang ng tatlong kampeon sa juniors, men’s at women’s divisions sa isang season ay ang dating NCAA member Ateneo at San Sebastian.

“We’re looking at history unfolding and it’s really up to us to complete it,” saad ni UPHSD coach Macky Cariño.
Subalit paniguradong papalag ang Lady Chiefs dahil three-peat naman ang puntirya nila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy