Una sa Balita

PAOLO, UMANI NG BATIKOS SA PAGBANAT KAY SEN. SOTTO!

LJ Reyes at Paolo Contis
0 12

Biktima ng mga batikos si Paolo Contis dahil sa komento niya sa “Na-ano lang” statement ni Senator Tito Sotto.

“Ang alam ko sa joke, dapat nakakatawa, hindi nakaka-offend. Single motherhood should not be joked about.

Well, what can I expect, hindi ka nga pala magaling magpatawa kahit kailan. LJ Reyes is one great mother and I am very proud of her.

Malamang mas lalake pa siya kesa sa’yo” ang reaksyon ni Paolo na umani ng mga papuri pero pumalag ang detractors niya.

“Huwag nang makisawsaw dahil si Lian Paz, ginawa mo na single mom, huwag maging ipokrito, gawin na lang ang tungkulin sa mga anak at hindi ka rin naman nakakatawa na comedian!” ang ilan sa mga personal na batikos laban kay Paolo pero hindi ito nagpaapekto.

“I want my page to be open to everyone. I respect their views whether it’s good or bad,” ang sagot ni Paolo sa mga nagpayo na burahin ang mga negative comment na kumukuwestyon sa kanya bilang ama at sa acting talent niya.

“Nagbigay ka ng opinion sa single mom issue. Galing mo rin talaga!” — Lian Paz

Dahil sa kanyang unsolicited opinion, nadamay si Paolo sa isyu ng controversial statement ni Senator Sotto.

May mga haka-haka na para kay Paolo ang cryptic post ng kanyang ex-wife na si Lian Paz na “Ang daming nag-PM at DM sa akin na nagbigay ka ng opinion sa single mom issue. Galing mo rin talaga!”.