Una sa Balita

Paolo sobrang inggit kay Solenn, type agawin si Nico Bolzico

By
0 1,533

Para kay Paolo Ballesteros, very timely ang pelikulang My 2 Mommies nila nina Solenn Heussaff at Maricel Soriano. Masyadong makatotohanan daw ang mga eksena nila.

“Ang gusto naming ipakita is a different kind of mother. Kasi ang alam natin pag Mother’s Day, the usual na nasa card na puro mama.

“Tama naman ang nasa movie, hindi lang naman babae ang nanay, ‘di ba?” sabi ni Paolo.

The actor pointed out that motherhood is not bound by biological attachment, and cited some women who assumed the “mother roles” to children even if they are not the ones who gave birth to them.

“Merong ibang klaseng nanay, ‘yung iba nawala ‘yung nanay at ang naging nanay, ‘yung kapatid, so it’s a different kind of mother,” esplika pa niya.

Si Solenn naman ay aminadong hirap maka-relate bilang nanay, dahil wala pa nga siyang anak. Pero, sure raw na marami ang makaka-relate sa pelikula nila.

“In a way, people are accepting things more. Pati ‘yung LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community is strong na also.

“Madaming bansa na ang nag-agree ng gay marriage, the world is opening up little by little, so relatable talaga ang movie,” sabi pa ni Solenn.

“Nowadays in the last five years, very open na ang mga tao, so it’s really modern,” dugtong pa ni Solenn.

Sabi nga pala ni Paolo, napi-pressure siya ngayon na gumawa talaga ng magagandang pelikula, lalo na at ang movie niyang Die Beautiful nung 2016 ay patuloy na humahamig ng awards sa ibang bansa.

“Hanggang ngayon, two years ago, tumutuka pa sa mga awards giving bodies ang Die Beautiful. Iba rin kasi ‘yung naging impact ng Die Beautiful. I guess ‘pag may ganong klaseng story ng pelikula, tatatak talaga siya.

“Kaya lahat ng ginagawa ko gusto ko yung tsina-challenge ko yung sa­rili ko, so I make sure na 100 percent ‘yung binibigay ko.”

Puring-puri rin ni Paolo ang leading lady niya sa My 2 Mommies.

“Everybody look up to her. I really like her personality, at napaka-talented niya. Maganda na, brainy pa, plus na ‘yung fit and sexy! Gusto kong maging siya, at gusto ko din si Nico,” malanding say ni Paolo.